Binay isusulong ang libreng Wi-Fi
MANILA, Philippines – Nangako si Vice President Jejomar Binay na isusulong niya ang pagbibigay ng libreng Wi-Fi sa buong bansa kapag siya ay nahalal na Pangulo sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Binay matapos dumalo sa pagpapasinaya ng Cavite provincial government ng proyektong libreng Wi-Fi sa lahat ng eskwelahan at kabahayan sa pangunguna ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, na dati niyang tagapagsalita.
Sinabi ni Binay na kanyang palalawakin ang maaabot ng mga cell sites sa tulong ng pribadong sektor upang lalong mapabilis ang koneksyon ng internet.
Ayon pa kay Binay na lilikha siya ng Department of Information and Communications Technology na siyang titingin sa “Kung mabilis at maayos ang koneksyon ng internet sa buong Pilipinas, mas maraming tao sa mga probinsya ang magkakaroon ng online na trabaho, tulad ng mga transcribers, accountants, artists at designers,” pahayag ni Binay sa harap ng mga estudyante at lokal na opisyales ng Cavite.
Ayon pa kay Binay na bubuo o magtatatag siya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na siyang titingin sa pagpapaganda ng communications infrastracture sa bansa.
Kasalukuyan, ang internet connection sa bansa ay isa sa mga pinakamabagal sa Asya. Kaya ang kaakibat ng pagtatayo ng DICT ay sisikapin din nating maging ‘basic service’ o pangunahing serbisyo ang internet sa halip na ‘value added service’ upang mapabilis ito at mapababa ang presyo.
Tungkulin ng gobyerno na kumbinsihin ang pribadong sektor na mamuhunan sa mga negosyong may kinalaman sa makabagong teknolohiya ng I.T.
- Latest