^

Police Metro

Mga mangingisda tulungan kahit ‘di binaha - Sen. Erwin

Malou Escudero - Pang-masa
Mga mangingisda tulungan kahit ‘di binaha - Sen. Erwin
Men catch milkfish or “bangus” at a fishpond in Lingayen, Pangasinan on April 13, 2025.
STAR/ Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Kailangan din bigyan ng ayuda ang mga mangingisda tuwing may bagyo o masama ang panahon, kahit hindi sila binaha.

Ito ang panawagan ni Senador Erwin Tulfo sa pamahalaan matapos dumalaw sa lalawigan ng Palawan kamakailan.

“Pag may bagyo o masama ang panahon, hindi nakakapag ­hanapbuhay ang mga mangingisda natin at wala silang makain at pamilya nila sa buong panahon na may bagyo o masama ang panahon,’ ani ng mambabatas.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Palawan kay Sen. Tulfo, July 19 pa hindi nakapag-palaot ang may 11,000 fishermen sa lalawigan.

Dagdag pa ni Tulfo, “Nilapit ko na sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) sa lalawigan na padalhan na ng food packs ang mga mangi­ngisda lalo na ‘yung mga nasa isla.”

Nangako naman si Palawan DSWD Provincial Director Eric Aborot na hahatiran na nila ngayong linggo ng food packs ang mga mangi­ngisda dahil kumalma na rin daw ang karagatan.

Ihahatid naman ng PCG ang mga food packs sa mga island municipalities.

Ayon kay Tulfo, makikipagpulong siya hindi lang sa DSWD ­kundi pati sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture para masiguro na hindi maiiwan ang mga mangingsida tuwing masama ang panahon.

MANGINGISDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with