Vitangcol, 5 pa kinasuhan ng graft
MANILA, Philippines – Dahilan sa umanoy maanomalyang MRT3 maintenance contract ay kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan si dating Metro Rail Transit 3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol III at lima pang mga incorporators ng Philippine Trans Rail Management and Services Corporation (PH Trams).
Sinasabing may probable cause para kasuhan ng graft si Vitangcol at kapwa akusado nang magsabwatan umano ang mga ito sa paga-award ng MRT3 maintenance contract sa PH Trams at sa joint venture Comm Builders and Technology Philippines Corporation (CB&T) noong October 2012.
Ang reklamo ay naisampa ng tanggapan ng Ombudsman noong November 27, 2015 sa Sandiganbayan.
Sinasabing sina Vitangcol, PH Trams incorporators Wilson De Vera, Marlo dela Cruz, Manolo Maralit, Federico Remo at Arturo Soriano na ngayoy provincial accountant ng Pangasinan ay lumabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.
- Latest