^

Police Metro

Malapitan gustong magtayo ng dinastiya sa Caloocan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mismong sa bibig umano ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na planong magkaroon ng dinastiya sa pamumuno sa lungsod hanggang 2030.

Ayon kay Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MaTaKa) President Elmer Cruz, nabistong gustong pagharian ng pamilya Malapitan ang Caloocan hanggang 2030 sa idineklara niyang “Caloocan 2030: The Livable City Development Plan (C-2030).”  

Ani Cruz, sa halip magpapogi sa mga proyektong ipinagawa sa Caloocan ay dapat linawin ni Malapitan ang maanomalyang paggamit sa paglalaan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa pekeng non-governmental organization na Kalookan Assistance Council, Inc. (KACI) noong kongresista pa lamang siya mula 2007 hanggang 2009.

Nagtataka sila bakit tahimik ay ayaw iulat ni Malapitan ang umano’y pagkasangkot niya sa PDAF scam na idineklarang labag sa Konstitus­yon ng Korte Suprema? na kung saan ay marami nang nakakulong sa 2nd batch.

Hindi umano nila papayagan na magkaroon ulit ng dinastiya sa lungsod na naranasan sa panahon ng mag-amang Asistio.

ACIRC

ANI CRUZ

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR

KALOOKAN ASSISTANCE COUNCIL

KORTE SUPREMA

LIVABLE CITY DEVELOPMENT PLAN

MALAPITAN

MARALITANG TAGALUNGSOD

PRESIDENT ELMER CRUZ

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with