^

Police Metro

Drug pusher na siga, itinumba

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Fernando Goli, fish porter, ng #101 Burgos St., Ugnatan, Brgy., Concepcion ng nasabing lungsod. Habang nasu­gatan naman ang kasama nito na si Dennis Rivera, 49, ng #105 Burgos St., nang tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay naglalakad sina Goli at  Rivera sa kahabaan ng Pilapil St., ng nasabing barangay nang bigla na lamang sumulpot ang tatlong lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang una.

Ayon sa pulisya na ang biktima ay laging inirereklamo sa kanyang lugar dahil sa panunutok ng baril bukod pa sa kilala umano ito na nagbebenta ng droga sa kanilang lugar at Navotas City.

Sa pahayag ng kaanak ng biktima na dalawang linggo ang nakakaraan ay binalaan ito ng isang “alyas Pogi” na pala­ging tumingin sa likuran dahil bayad na umano ang buhay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

BRGY

BURGOS ST.

DENNIS RIVERA

FERNANDO GOLI

MALABON CITY

NAVOTAS CITY

PILAPIL ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with