^

Police Metro

2 pusher timbog sa P9-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation at nasamsam ang nasa  P9 milyong halaga ng shabu kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Paul Co, 44, negosyante, ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City at Arvin Caray, 38, ng Brgy. Tejeros, Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang ikasa ang buy bust operation sa V. Luna Avenue at Mapagbigay St., Brgy.Pinyahan.

Nabatid na dalawang linggong minanmanan ang mga suspek  dahil sa impormasyon kaugnay sa pagiging drug pusher, subalit masyadong madulas ang mga ito nang matunugan na may mga otoridad sa paligid.

Kahapon ng umaga muling nakipagtran­saksyon ang mga otoridad sa mga suspek  para bumili ng 1 kilong ng shabu na nagkakahalaga ng P1 mil­yon at napapayag ang mga suspek na magkita sa isang bahagi ng Trinoma Mall.

Pagsapit sa lugar ay walang naganap na bentahan sa halip ay tinignan lamang ng mga suspek ang dalang pera saka nagpasya na lumipat sa ibang lugar partikular sa V. Luna Avenue at Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan kung saan nangyari ang bentahan at pag-aresto sa kanila.

Nasamsam sa mga suspek ang naturang shabu at isang sasakyang Suzuki Swift (JTS-88) na ginamit nila sa ope­rasyon, tatlong piraso ng cellular phones, at ang P10,000 na tig-P1,000 bills na ginawang “boodle money” para mabuo ang halagang P1milyon sa pagbili ng isang kilong shabu.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARVIN CARAY

BAHAY TORO

BRGY

LUNA AVENUE

MAKATI CITY

MAPAGBIGAY ST.

MGA

PAUL CO

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with