^

Police Metro

Hukom, gunman patay sa sabungan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang judge ang nasawi matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa loob ng isang sabungan sa Brgy. 8, Poblacion, Pambujan, Northern Samar kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Reynaldo Espinar, 53, Judge ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Laong, Northern Samar, residente ng Brgy. 1, Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon kay Sr. Inspector Mark Nalda, Public Information Officer ng Eastern Visayas Regional Office, naitala ang insidente  sa loob mismo ng PADCOR Cockpit arena na matatagpuan sa Brgy. 8, Poblacion, Pambujan bandang alas-4:50  ng hapon.

Nabatid na kasalukuyang nasa sabungan si Espinar nang biglang sumulpot ang salarin at pinagbabaril sa ulo ang judge na agad binawian ng buhay sa insidente.

Habang papatakas ang suspek ay binaril ito ng security escort ng biktima na si Wilfredo Saromenes, 49, retiradong kasapi ng Philipppine Army.at napuruhan at nasawi rin sa insidente ang gunman sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.

Si Espinar ang ikatlong huwes na pinaslang sa loob ng 3 buwan, una ay si Judge Ibnohajar Puntukan, Sharia Court Judge na binaril sa Jolo, Sulu, noong Marso 4 ng taon at ikalawa ay si Judge  Wilfredo Nieves na pinagbabaril  naman sa Malolos City, Bulacan noong Nobyembre 11.

 

vuukle comment

ANG

BRGY

EASTERN VISAYAS REGIONAL OFFICE

JUDGE IBNOHAJAR PUNTUKAN

MALOLOS CITY

MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT

NORTHERN SAMAR

PAMBUJAN

PHILIPPPINE ARMY

PUBLIC INFORMATION OFFICER

REYNALDO ESPINAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with