^

Police Metro

Regional insurance pool dapat isulong ng Pinas sa climate change summit

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinikayat ni disaster preparedness advocate Atty. Francis Tolentino ang pamahalaan ng Pilipinas na maging aktibo sa isasagawang United Nations (UN) climate summit na gaganapin sa France sa katapusan ng buwan.

Ito ang panukala ni Tolentino, dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, matapos namang mapag-usapan ang mga aksyon ng iba’t ibang bansa ukol sa climate change sa katatapos lang na APEC Economic Leaders Meeting sa bansa.

“Dahil sa dami ng bagyo at iba pang kalamidad na tumatama sa atin bawat taon, pagkakataon ng Pilipinas ang climate summit para maisulong ang agenda na bumuo ng ‘regional insurance pool’, ani Tolentino.

Umaasa si  Tolentino na makapagbabalangkas ng panukala ang Pilipinas para sa regional insurance pool sa pangangasiwa sa mga kalamidad at matatalakay sa summit na dadaluhan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ipinaliwanag nito na ang pool funds na maa­ring pagkunan ang agarang pondo ng isang bansang apektado ng kalamidad ay malaking tulong sa pagresponde sa mga biktima at pagbangon ng ekonomiya.  Sinabi nito na sa tuwing may mga kalamidad, ang mga mahihirap ang pangunahing apektado.

Batay sa ulat ng World Bank, aabot sa 100 milyon katao ang posibleng maghirap dahil sa climate change at nasa kalahating bilyon ang mawawalan ng tahanan sa susunod na 15 taon na ang pinakamapanganib ay ang South Asia.

Ang UN climate summit na isasagawa sa Nov 30 hanggang December 11 ay dadaluhan ni Pangulong Noynoy Aquino upang isulong ang global agreement upang bawasan ang epekto ng climate change.Nagpahayag na rin ng commitment ang bansa upang ibaba ang  greenhouse gas emissions ng 70 percent hanggang  2030.

 

ACIRC

ANG

ECONOMIC LEADERS MEETING

FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINAS

SOUTH ASIA

TOLENTINO

UNITED NATIONS

WORLD BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with