4th Bilibid raid: Baril, booster at appliances muling nakumpiska
MANILA, Philippines – Iba’t ibang mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa ang nakumpiska sa ikaapat na raid na tinawag na “Oplan Galugad” kahapon ng alas-5:00 ng umaga.
Ang sentro nang pagsalakay kahapon ay ang maximum security compound na nasa Building 9 na kinaroroonan ng mga miyembro ng Sigue Sigue Sputnik, Sigue-Sigue Commando at Genuine Ilocano Group gangs.
Dito ay nakumpiska ang kalibre 45 baril, kalibre 38 pistola, limang galon ng tuba, cell phone, drug paraphernalias, mga signal boosters, television, microwave ovens, DVD player, electric fan, improvised air-conditioning unit at remote control na toy helicopter.
Natagpuan din ang isang tangke ng LPG na hindi pa binubuksan na ang ilalim ay selyado lang ng mga pirasong kahoy at foam na pinaghihinalaang naglalaman ng mga illegal drugs o home made bombs.
Ang huling pagsalakay ay naganap noong Oktubre 11, kung saan ay nakumpiska ang mga air-condition units, television sets, cell phones, at mga patalim, washing machines, apat na aso at air compressor.
Ang naunang dalawang pagsalakay ay nakakumpiska ang mahigit 8,000 bala, 30 baril, refrigerators, air-conditioning units, flat-screen TVs, cell phones, drugs at alak ay nadiskubre din.
- Latest