^

Police Metro

Pugot na ulo ng Malaysian hostage narekober

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang pugot na ulo ng Malaysian hostage na pinaslang ng kaniyang mga abductors na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Taran, Indanan, Sulu nitong Martes ng hapon.

Ang pugot na ulo ay sa biktima na kinilalang si Bernard Ghen Ted Fen, 39, engineer.

Kinumpirma ng opis­yal na nakita ng tropa ng mga sundalo na gu­malugad sa lugar ang ulo ni Fen  na tadtad ng mga taga na itinapon sa damuhan ng kaniyang mga abductors.

Ang pamumugot ng ulo kay Fen ay sa gitna na rin ng pagdalo sa Asia Pacific Economic Coo­peration (APEC) Summit sa Manila ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng security forces ang katawan ni Fen na umano’y inilibing na ng mga bandido  may ilang metro mula sa lugar kung saan ito pinugutan ng ulo.

Ang biktima ay pinugutan ng ulo matapos bumagsak ang negosasyon nang tumanggi ang pamilya nito na magbayad ng P40-M ransom na naibaba sa P30-M sa mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng kala­yaan ng una.

Si Fen ay binihag ng mga bandido kasama ang restaurant manager na si Thien Nyuk Fun sa Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan, Sabah, Malaysia  noong nakalipas na Mayo 15 ng taong ito at pinalaya nitong Nobyembre 8, 2015 si Fun matapos makapagbigay ng milyon ransom.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COO

BERNARD GHEN TED FEN

MALAYSIAN PRIME MINISTER NAJIB RAZAK

MGA

OCEAN KING SEAFOOD RESTAURANT

SI FEN

THIEN NYUK FUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with