8 militanteng lider kinasuhan
MANILA, Philippines – Dahilan sa umanoy pagkakasangkot ng mga ito sa madugong insidente ng karahasan sa Quezon City noong ginanap ang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino noong Hulyo 27, 2015 ay kinasuhan ng criminal sa QC court ang walong lider ng militant at cause-oriented organizations.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina Antonio Flores, secretary-general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP); Mark Adrian Ng, Hermie Marasigan, Perla Ipong at Renato Reyes pawang mula sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN); Arjie Manalo, secretary-general ng GABRIELA;Vencer Crisostomo ng Anakbayan at Ferdinand Gaite ng grupong COURAGE.
Kinasuhan ng PNP ang mga ito batay sa reklamo ng dalawang pulis na sina Police Chief Inspector Antonio Ananayo Jr. at PO1 Reden Malagonio, ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umanoy binugbog ng mga akusado noong SONA.
Partikular na isinampa sa mga respondents ang kasong paglabag sa Batas Pambansa 880 (Public Assembly Act of 1985), Serious Illegal Detention (non-bailable), Assault Upon an Agent of Person in Authority and Robbery.
Sinasabi sa reklamo ng naturang mga pulis na sila ay nasa kanilang duty nang damputin ng mga militanteng grupo na nagsisipag protesta sa kahabaan ng Commonwealth avenue sa QC at isinakay sa isang passenger jeepney at doon binugbog at kinuha ang kanilang mga personal na gamit.
Si Ananayo ay nagtamo ng matinding internal head injuries dahilan para alisin ang nabuong dugo sa kanyang ulo habang si Malagonio ay nagtamo rin ng mga sugat at pasa sa kanyang katawan.
- Latest