Inasido ng mga Vietnamese fishermen... 2 pinoy todas sa Taiwan vessel
MANILA, Philippines – Dalawang mangingisdang Pinoy na sakay ng fishing vessel sa Kaohsiung, Taiwan ang nasawi nang makipagrambulan sa kasamahang mangingisda na mga Vietnamese.
Ayon sa isang crew na si Rolen Estember, na hindi pa kilala ang dalawang nasawing Pinoy na tubong Roxas City at Zamboanga City.
Sa salaysay ni Estember, nasa northern Pacific sila o 265 nautical miles mula sa Nanfang’ao sa eastern Taiwan, nang nangyari ang away sa pagitan nga mga Pinoy at Vietnamese.
Anim sa mga Pilipinong biktima ang sinabuyan umano ng mainit na tubig at arsenic acid na siyang dahilan ng pagkamatay ng dalawang Pinoy.
Sa Nobyembre 9, isasailalim sa autopsy examination ang bangkay ng dalawang Pilipino.
Napag-alaman na sakay ng barko ang 52 crew kabilang ang tatlong Taiwanese, 15 Indonesians, 15 Vietnamese at 19 Pinoy.
- Latest