2 kelot utas sa pamamaril
MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat, dakong alas-4:26 ng kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin ang 29-anyos na si Michael Vincent Nobleza, alyas “Pipoy”, 29, binata, ng No. 41 Pangako Street, Bagong Barrio Brgy. 151.
Nabatid na naglalakad ito sa kanto ng Milagroso Extension at Progreso Street sa Brgy. 151 nang harangin ng dalawang hindi nakilalang suspek at pagbabarilin nang malapitan na agad nitong ikinasawi.
Isang hindi pa kilalang barker ang binaril ng isa sa pitong lalaki dakong alas-2:35 ng Linggo ng madaling araw sa tapat ng isang fast food sa may EDSA-Monumento.
Bago ito ay may nakatalo at nakasuntukan ang biktima ng isang lalaki na pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik kasama ang anim pang lalaki at walang kaabog-abog na binaril na agad nitong ikinasawi.
Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng 28-30 anyos, katamtaman ang katawan, nakasuot ng asul na jogging pants at tadtad ng tattoo ang katawan kabilang ang “Sputnik”.
- Latest