^

Police Metro

Telstra pinagdududahan ang kakayahan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa mga service issues at natatanggap ng Telstra telecom ay may pagdududa ang Philippine market  sa umanoy  kaka­yanan na makapagbigay ito ng mahusay na serbisyo sa mga tao sa oras na pumasok sa Pilipinas.

Bagamat sinasabi ng Telstra’s chief executive Andy Penn’s na magbibigay ito ng maayos na diumanong kalidad na  telecommunications services  para sa mga Pilipino sa murang halaga lamang ay nagkaroon naman ng pagbagsak ang share price nito nitong nakaraang buwan dahil sa tumaas na kumpetisyon sa Australia at mga reklamo hinggil sa serbisyong naibigay nito  sa  kanilang mga subscribers doon.

Kung sa Pilipinas ay  hindi maibigay ng mga kasalukuyang telcos ang maayos na serbisyo sa mahal na halaga, ano pa kaya ang  maayos na maibibigay na serbisyo ng Telstra sa murang halaga.

Kung sinasabi ng Tels­tra sa Australian Se­curities Exchange na naglaan ito ng $1.5 bilyong capital para sa mergers at acquisitions para sa huling buwan  ng 2015 at ang malaking bahagi nito ay mapupunta sa San Miguel Corporation (SMC) at  paniwala nila sa kanilang sarili na sila ang “savior” at “third player” na makalutas sa mabagal na internet speed sa Pilipinas ay hindi pa rin ito ligtas sa kaalaman ng lahat na ang masaklap na karanasan ng marami nitong customers sa Telstra-Australia na batay sa reklamo ng kanilang mga subscribers dito.

Ayon sa Telecommunications Industry Ombudsman (TIO), isang fair dispute resolution service sa Australia ay nagsabing ang  Telstra ang may pinakamaraming reklamo sa usapin ng telco sa bansa nito lamang  May 2015. 

Napaulat din na may mga Telstra customers ay nagrereklamo sa social media nitong nagdaang Oktubre hinggil sa sobrang bagal sa pagkonekta sa Apple sites.

May mga customers ng Telstra ay biktima rin umano ng mga internet outages at data breaches ngayong taon tulad na nangyari kung saan dumanas umano ang mga ito ng internet service outage na nagpatagal sa kanilang paghahantay ng may ilang oras.

Ang nasabing mga pro­b­­lema ang nagbigay ng pagdududa ng mara­ming Pinoy kung may sapat na kakayanan ang Telstra na maibigay ang maayos at mabilis na serbisyo sa mga Pilipino.

 

ACIRC

ANDY PENN

ANG

AUSTRALIAN SE

MGA

NBSP

PILIPINAS

PILIPINO

SAN MIGUEL CORPORATION

SHY

TELSTRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with