^

Police Metro

45 pamilya nasunugan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nawalan ng tirahan ang may 45-pamilya at nasa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala matapos masunog ang 15-kabahayan sa Barangay 172, Zone 17 sa Malibay, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sa report  ni Pasay City Fire Marshal Chief Ins­pector Douglas Guiyab, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsimula ang sunog sa inuupahang bahay  ni Mary Goto sa #829 E. Santos Street na pag-aari ni Grace Aquino.

Nabatid na bigla na lamang nagliyab ang bahagi ng kusina hanggang sa kumalat ang apoy sa mga kalapit-bahay nito na gawa lamang sa light materials.

Tinupok ng apoy ang 15 kabahayan ng 45 pamilya kung saan aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog.

Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa mga kalsadang maliliit kung saan umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.

Bandang alas-10:24 ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy kung saan wala naman naiulat na namatay.

Patuloy naman ang mupping operation upang masigurong ligtas na ang residente habang isinasagawa ang imbetigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANDANG

DOUGLAS GUIYAB

GRACE AQUINO

MALIBAY

MARY GOTO

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE MARSHAL CHIEF INS

SANTOS STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with