^

Police Metro

Sa harap ng 3 paslit na anak... nanay hinalay ng kapitbahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamong rape ang isang 23-anyos na misis laban kanyang kapitbahay matapos na siya ay halayin nito sa harap ng kaniyang tatlong paslit na anak  kamakalawa sa  Brgy. Sinuyak, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Ang biktima na itinago sa pangalang Isadora ay nagsampa ng reklamo laban sa suspek na si Rosario Pailaga, 33, isang magsasaka at kapitbahay ng ginang.

Sa salaysay ng biktima, dakong ala-1:00 ng mada­ling araw ay nasa kasarapan sila ng tulog ng kanyang tatlong paslit na anak nang siya ay magising dahil may humipo sa kanyang kaselanan.

Sa pagdilat niya ay nakita niya ang suspek na hubo’t hubad at tinutukan siya ng patalim.

Sa takot na saksakin siya at maging ang tatlong anak ay hindi siya nanlaban hanggang sa gahasain.

Matapos na gahasain ang ginang ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nabatid na wala ang mister ng biktima na kasalukuyang nasa Maynila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

ISADORA

KATIPUNAN

MATAPOS

MAYNILA

NABATID

NAGSAMPA

NORTE

ROSARIO PAILAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with