Pormal na hearing ng Mamasapano case sa Nobyembre na
MANILA, Philippines - Batay sa kautusang ipinalabas ng Department of Justice na sisimulan na ang pormal na pagdinig sa Mamasapano encounter case sa Nobyembre.
Sa subpoena na may petsang Oktubre 20, 2015 na nilagdaan ni Senior Assistant State Prosecutor Rosanne Balauag, isasagawa ang preliminary hearing sa Nobyembre 11 at 27.
Kabilang sa ipinatatawag ng DOJ ang mga respondent at complainant sa Mamasapano incident na nagbuwis ng buhay ng mga kagawad Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), partikular ang first batch na tumutukoy lamang sa 35 mula sa tinaguriang SAF 44.
Habang ang kopya ng subpoena para sa mga mi yembro ng MILF na respondent ay idinaan sa MILF peace panel, habang ang subpoena para sa mga respondent na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at private armed groups ay idinaan sa alkalde ng Mamasapano.
- Latest