^

Police Metro

Magkaibigan itinumba ng nakakotse

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang magkaibigan na barker matapos na sila ay pagbabarilin habang nasa bangketa ng isang suspek na sakay ng kotse kamakalawa ng gabi sa Bago Bantay, Quezon City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jovenir Garcia, 26; at Jesus Yongco, 25; pawang mga residente ng Samar St., Bgy.Sto.Cristo, Bago Bantay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi sa harap ng isang laundry shop na matatagpuan sa Samar St., ay nakatayo ang dalawa nang dumaan ang isang kotse sakay ang dalawang lalaki at isa rito ang bumaril sa mga biktima.

Ilang concerned ci­tizen ang nagtungo sa pinanggalingan ng mga putok at nakita ang dalawang biktima na nakabulagta kaya’t dinala ito sa ospital, subalit namatay din ang mga ito.

Inaalam ng pulisya kung may nakaaway ang mga biktima na kapwa barker at niresbakan lang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGO BANTAY

BGY

CRISTO

ILANG

INAALAM

JESUS YONGCO

JOVENIR GARCIA

QUEZON CITY

SAMAR ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with