^

Police Metro

Mister nilapa ng 5 aso, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kamatayan ng isang mister matapos itong lapain ng limang asong Belgin Malinois sa Brgy. Camanag Ri­verside, Urdaneta City, Pangasinan.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Lito Abucayan, 25, nagtamo ng malalalim na kagat mula sa pangil ng limang nabanggit na aso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa naantalang ulat ng Urdaneta City Police, naitala ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi noong Linggo habang naglalakad sa nasabing lugar ang biktima.

Nabatid na ang biktima ay may karamdaman umano sa pag-iisip ng habulin ito ng limang asong nabanggit na pag-aari ng isang residente sa lugar.

Nagawa pang makaakyat ng biktima sa isang mababang puno ng niyog, pero dumausdos ito pababa at dito na ito pinagtulungang sagpa­ngin ng limang aso.

Nagkataon namang walang tao sa lugar nang mangyari ang insidente ng pag-atake sa biktima ng limang asong na nakawala sa gate ng bahay ng may-ari sa mga aso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELGIN MALINOIS

BRGY

CAMANAG RI

LINGGO

LITO ABUCAYAN

MASAKLAP

NABATID

URDANETA CITY

URDANETA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with