^

Police Metro

Grace pinapadiskwalipika ni Tatad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa na namang disqualification case ang  isinampa kay   Senator Grace Poe na dating kaalyado ng kanyang amang si Fernando Poe Jr., na si dating  Senador Francisco “Kit” Tatad sa Commission on Elections (Comelec).

Nakasaad sa kasong isinampa ni  Tatad, na hindi umano dapat na payagang  tumakbo sa  2016 elections si Poe dahil sa paglabag nito sa Article 7, Section 2  ng Constitution kung saan nakatala ang  kuwalipikasyon ng mga presidential candidates.

Kasama ni Tatad  si Atty. Manuelito Luna na kumatawan sa natalong senatorial candidate na si Rizalito David  na unang nagsampa ng disqualification case laban kay Poe sa Senate Electoral Tribunal.

Partikular na tinukoy ni Tatad ang umano’y  hindi pagiging natural-born Filipino ni Poe dahil siya ay isang ampon na walang makapagsabi  kung sino ang   kanyang tunay na  magulang.

Nabigo rin si Poe na kumpletuhin ang kanyang 10-year residency requirement  na nakasaad sa Constitution.

Itinuturing naman ng tumatayong spokesperson ni Poe na si Valenzuela City Mayor Rex Gatcha­lian na isang “dirty tactic” ang panibagong disqualification case.

 Matatandaang nagsampa rin  noong nakaraang linggo ng  disqua­lification case ang isang Atty. Estrella Elamparo at  kinuwestiyon din ang  kakulangan sa mga  kuwa­lipikasyon ni Poe na tumakbo sa 2016 elections.

 

ACIRC

ANG

ESTRELLA ELAMPARO

FERNANDO POE JR.

MANUELITO LUNA

NBSP

POE

RIZALITO DAVID

SENADOR FRANCISCO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

TATAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with