^

Police Metro

Nakakulong na Reyes brothers tatakbong mayor at vice mayor ng Coron

Pang-masa

MANILA, Philippines –  Naghain kahapon ng kanilang certificates of candidacy (COC) ang nakakulong na magkapatid na Reyes, na mga pangunahing suspek sa pagpatay kay journalist and environment activist Gerry Ortega.

Si dating Palawan Go­vernor Joel Reyes ay tatakbong mayor ng Coron, habang ang kapatid na si  da­ting Coron Mayor Mario Reyes Jr., ay running mate nito.

Ang magkapatid na Reyes na nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Palawan ay nakapaghain ng kanilang kandidatura sa pamamagitan ni Coron local government unit administrator Laylde Corona.

Makakalaban ni Joel si incumbent Coron Vice Mayor Jim Gerald Pe, na tatakbong mayor sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), at Ajerico Barracoso, sa ilalim ng United Nationa­list Alliance (UNA). Habang si Mario ay makakaharap si Joseph M. Palanca.

Magugunita na ang Reyes brothers ay nadakip sa Thailand noong Setyembre matapos ang pagtatago ng mahigit tatlong taon sa batas.

ACIRC

AJERICO BARRACOSO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CORON

CORON MAYOR MARIO REYES JR.

CORON VICE MAYOR JIM GERALD PE

GERRY ORTEGA

JOEL REYES

JOSEPH M

LAYLDE CORONA

REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with