^

Police Metro

Duterte ‘no show’ sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines –  Walang Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang sumulpot kahapon para sa huling araw na paghahain ng certificate of candidacy sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagkapangulo sa 2016.

Umaasa ang mahi­git 2,000 supporters ni Duterte ang naghintay sa Comelec na magbabago ito ng isip at tatakbong pangulo habang hindi pa nagsasara ang oras ng filing ng COC.

Umugong ang balita na nasa isang 5 star hotel lang si Duterte na malapit lang sa opisina ng Comelec kaya’t umaasa ang mga supporters na maghahain ito ng kandidatura.

Maging si Senador Alan Peter Cayetano na tatakbong Bise Presidente at running mate si Duterte ay umaasa na magbabago ito ng desisyon.

Matatandaan na kahapon nagsimulang nagsipagdatingan ang mga taga suporta ng alkade mula sa Davao dahil sa ilang espekulasyon na posibleng tumakbo si Duterte sa pagpapangulo matapos na maghain din ng kandidatura sa pagka alkalde ang  anak nitong si Sara.

Subalit, hanggang sa magsara ang  filing ay hindi nakita  ni anino ng  alkalde sa Comelec na ikinadismaya ng  mga  suppor­ters nito mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa mga taga suporta ni  Duterte,  mas lalong  walang  pag-unlad at peace and order sa Pilipinas dahil mananatiling  walang mga ‘bayag’ ang  namumuno sa bansa.

Una nang sinabi ni  Duterte na hindi siya interesado na tumakbo sa pagkapangulo sa kabila ng  panghihikayat sa kanya ng iba’t ibang  sektor at grupo.

Mas komportable umano  si Duterte sa kanyang posisyon ngayon  at walang mababago sa kanyang desisyon.

ACIRC

ANG

AYON

BISE PRESIDENTE

COMELEC

DAVAO

DUTERTE

MATATANDAAN

NBSP

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

WALANG DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with