PNP tutukuyin ang election hotspots
MANILA, Philippines - Nakatakdang tukuyin ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar sa bansa na posibleng ideklarang areas of immediate concern o hotspots kaugnay ng gaganaping May 2016 national elections.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na tinatapos na lamang ang mga pamantayan upang maideklarang hotspots ang isang lugar.
Kabilang naman sa mga basehan upang maideklarang hotspots ang isang lugar ay kung may matinding banggaan ang mga pulitiko magkalaban sa puwesto, may dati ng mga insidente ng karahasan,may presensya ng mga armadong grupo na posibleng manabotahe sa eleksiyon at iba pa.
Nakatakda rin silang makipagkoordinasyon sa Comelec at AFP para sa pagdedeklara ng mga hotspots na ipaprayoridad tutukan sa eleksyon.- Joy Cantos, Doris Franche-Borja
- Latest