^

Police Metro

Sanggol dinukot sa bahay habang natutulog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang taong gulang na batang lalaki ang dinukot habang natutulog sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa nakilalang suspek sa Brgy. Malaya, Nagcarlan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Lance Erlandez Macahiya, residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, naitala ang insidente sa pagitan ng alas-7:30 hanggang alas -8:00 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na pansamantalang iniwan ng mag-asawang Wallen Erlanda at Leo Macahiya ang dalawa nilang anak na lalaki habang natutulog sa kanilang silid kung saan nagtungo ang mga ito sa bahay ng ina ng kaniyang misis na noo’y nagdiriwang ng kaarawan may ilang hakbang sa kanilang bahay.

Ilang saglit ay  bumalik na ang mag-asawa sa kanilang bahay ay laking gulat na nawawala na ang bunsong anak na lalaki.

Sa pahayag ng isa nilang kapitbahay, sinabi nito na isang lalaki umano ang nakita nitong lumabas sa kanilang bahay habang karga ang natutulog nilang anak na sumakay sa behikulo na tumahak sa direksyon ng Laguna o maaring sa Rizal.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

ILANG

ISANG

LANCE ERLANDEZ MACAHIYA

LEO MACAHIYA

LUMALABAS

NAGCARLAN

RIZAL

WALLEN ERLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with