^

Police Metro

MILF nasa likod nang pagdukot sa ex-Italian priest

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng isang security officer sa Western Mindanao na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod nang pagdukot kay da­ting Italian priest at ngayo’y negosyanteng si Rolando del Torcio sa Dipolog, Zamboanga del Norte noong Miyerkules ng gabi.

Tinukoy ng opisyal na ang grupo ni Saher Muloc  alyas Commander Red Eye, lider ng Muloc Group na ang mga tauhan ay mga dating Moro National Liberation Front (MNLF)  fighters at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na aktibo na ngayon sa kidnapping at iba pang illegal na aktibidades ang nasa likod ng pagbihag kay Del Torcio.

Nabatid na si Red Eye ay tumatayo rin na Commander ng Provincial Police Force ng 113th Base Command ng MILF.

Sinabi nito na si Red Eye at grupo nito ay kabilang sa lawless groups na nag-ooperate sa Zamboanga Peninsula at iba pang lalawigan ng Western Mindanao na sangkot sa kidnapping for ransom, extortion at iba pang illegal money-making schemes.

Samantala, ang anak naman ni Red Eye na si Julmin Muloc ay sangkot naman sa drug trafficking.

Ang mag-ama ay nakilala ng mga otoridad sa CCTV footage ng UrChoice pizza parlor ni Del Torcio na kabilang sa 11 armadong kalalakihan na tumangay sa biktima noong  Miyerkules ng gabi.

Sinabi naman ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Rustico Guerrero na hindi nila inaalis ang posibilidad na maipasa ng grupo ni Muloc sa mga bandidong Abu Sayyaf si Del Torcio kaya’t patuloy ang naval blockade sa coastal areas ng Zamboanga Pe­ninsula.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

BASE COMMAND

COMMANDER RED EYE

DEL TORCIO

JULMIN MULOC

MIYERKULES

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RED EYE

WESTERN MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with