^

Police Metro

Pastor itinumba habang nagsesermon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang pinagbabaril habang nagsesermon sa pulpito ang isang pastor sa loob ng bahay sambahan ng hindi pa nakilalang salarin na nagpanggap na dumadalo kamakalawa sa Brgy. Washington, Surigao City, Surigao del Sur.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Surigao Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Allan Ursabia, 45, pastor sa  Lord Jesus Christ  at residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente sa loob ng fellowship ng grupo sa nasabing lugar dakong alas-9:30 ng umaga.

Batay sa ulat, nasa kalagitnaan ng kaniyang pagsesermon ang biktima nang biglang pumarada sa harapan ng simbahan ang dalawang lalaki na sakay ng kulay pulang Bajaj motorcycle.

Bumaba ang angkas at pumasok sa loob ng simbahan at humalo sa mga nagsasagawa ng fellowship dito.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang bumunot ng baril at saka pinagbabaril nang sunud-sunod ang pastor habang nagse-sermon. 

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

vuukle comment

ALLAN URSABIA

ANG

BAJAJ

BATAY

BRGY

BUMABA

LORD JESUS CHRIST

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

SURIGAO CITY

SURIGAO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with