^

Police Metro

Proof of life ng 3 banyaga, 1 Pinay na dinukot hanap ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala pa ring nakukuhang pruweba kung buhay pa ang 3 banyaga at 1 Pinay may dalawang linggo na ang nakakalipas nang sila ay dukutin sa Island Garden City of Samal.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ricardo Marquez, nakapokus sila sa ‘proof of life’ ng mga hostages at patuloy na inaalam kung anong grupo ang nasa likod nang pagdukot sa mga biktima.

Kabilang sa mga bihag ay sina Kjartan Sekkingstad, 56, Norwegian; mga Canadian na sina John Ridsdel, 68 at Ro­bert Hall, 50 at  Pinay na si Maritess Flora.

Binihag ang mga ito matapos na salakayin ng mga armadong kalalakihan ang Oceanview Resort na pag-aari ni Sekkingstad sa Island Garden City of Samal noong Setyembre 21 ng gabi.

Wala pa ring paramdam ang grupong nasa likod nang pagdukot gaya ng paghingi ng ransom kapalit ng kala­yaan bagaman ay una nang napaulat na P 20-M ang hinihingi ng grupo kapalit ng ‘proof of life’ ng mga bihag.

Sa panig naman ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri, hindi nila maaa­ring isapubliko ang mga impormasyon sa ki­naroroonan ng mga hostages para na rin sa kaligtasan ng mga ito at upang  hindi malagay sa peligro ang apat na target ng rescue operations.

 

ACIRC

ANG

CHIEF OF STAFF GEN

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

HERNANDO IRIBERRI

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

KJARTAN SEKKINGSTAD

MARITESS FLORA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with