^

Police Metro

P1.2-M ari-arian nilamon ng apoy

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aabot sa P1.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang ilang quarters ng Philippine Army sa loob ng headquarters sa Fort Bonifacio,  Taguig City kamakalawa ng hapon

Sa ulat ni Col. Benjamin Lao, tagapagsalita ng Phil. Army, nilamon ng apoy ang  Enlisted Personnel Quarters - 11 (EPQ - 11)  na may 10-pintuang apartment sa loob mismo ng nasabing tanggapan.

Nagsimula ang sunog bandang alas-3:30 ng hapon noong Sabado sa door 7 ni  Staff Sgt. Dalusong.

Tatlong fire Trucks ng Philippine Army ang rumes­ponde habang walong fire trucks naman ng Bureau of Fire Protection sa Taguig City at iba pang fire volunteers ang nagtulung-tulong para maapula ang apoy.

Idineklara ng fire marshal ng Philippine Army na fire-out ang sunog bandang alas-4:40 ng hapon.

Umabot naman sa 10 pamilya ang naapektuhan ng sunog na ngayon ay nagkakanlong sa Enlisted Personnel Transient Quarters.

 

AABOT

ACIRC

ANG

BENJAMIN LAO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ENLISTED PERSONNEL QUARTERS

ENLISTED PERSONNEL TRANSIENT QUARTERS

FORT BONIFACIO

PHILIPPINE ARMY

STAFF SGT

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with