^

Police Metro

Luzon hinagupit ni ‘Kabayan’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang malaking bahagi ng Luzon ang napuntirya ng hagupit ng bagyong Kabayan na nagdulot ng mga pagbaha sanhi ng mga pag-ulan simula pa kamakalawa ng gabi.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na bagaman lumisan na sa bansa si Kabayan at wala namang gaanong epekto ay nasuspinde naman ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at ilan pang mga apektadong lalawigan sa Luzon.

Naitala sa kabuuang 122 pasahero, limang barko, tatlong bangkang de motor at 53 rol­ling cargo ang stranded sa Albay, Catanduanes, Camarines Sur sanhi ng malalakas na alon.

Nakapagtala naman ang Office of Civil Defense (OCD) Region 3 ng landslide sa Brgy. Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija kung saan nasa 30 pamil­ya ang nagsilikas sa mga apektadong lugar.

Naitala naman sa 19 barangay sa mga bayan ng Laur, Cuyapo, Rizal at Bongabon; pawang sa Nueva Ecija ang lumubog sa tubig baha at  limang highway ang hindi madaanan sanhi ng mga pagbaha sa Aurora, Bulacan at Nueva Ecija.

Bagaman umalis na sa bansa si Kabayan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng alas-11:00 ng gabi sa Biyernes at ala-1:00 ng madaling araw ay nanatiling nakaalerto ang NDRRMC sa mino-monitor na  mga lugar na nasa ilalim pa rin ng signal ng bagyo.

Nanatili pa rin ang Public Storm Warning Signal No. 2 sa La Union at Pangasinan habang signal number 1 naman sa Benguet, Tarlac, Ilocos Sur at Zambales.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAMARINES SUR

ILOCOS SUR

KABAYAN

LA UNION

LUZON

METRO MANILA

MGA

NAITALA

NUEVA ECIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with