5 kotongerong airport police sa mga taxi driver, sinibak
MANILA, Philippines — Limang miyembro ng Airport Police Department (APD) na sangkot umano sa pangingikil sa mga taxi driver, na naniningil naman nang sobra-sobra mula sa kanilang mga pasahero ang sinibak sa puwesto.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA),nakatanggap sila ng mga report na umano’y tumatanggap ng bayad mula sa mga taxi driver ang ilang airport police kapalit ng hindi otorisadong pag-access sa mga airport passenger pick-up area.
Nangako si MIAA General Manager Eric Jose Ines ng masinsinan at walang kinikilingan na imbestigasyon, alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon na alisin ang lahat ng uri ng katiwalian at pang-aabuso sa loob ng transportation system.
Bumuo rin ang MIAA ng isang investigating committee sa ilalim ng kanilang Intelligence and Investigation Division upang matiyak ang isang patas na imbestigasyon.
- Latest