^

Police Metro

Convoy ng vice mayor pinasabog: 4 dedo, 6 malubha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat-katao  ang bumulagta habang anim pa ang nasugatan makaraang  bombahin ang convoy ng bise alkalde sa Barangay Sunrise, Isabela City, Basilan noong Huwebes ng hapon.

Sa ulat, sinabi ni Captain Roy Trinidad, spokesman ng AFP Task Force Zambasulta ( Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi),  naitala ang insidente dakong ala-1:01 ng hapon malapit mismo sa bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar.

Kasalukuyang bu­mabagtas sa nasabing lugar ang convoy ng sasakyan ni Isabela City Vice Mayor Abdubaki Ajibon nang big­lang sumabog ang bomba sa gilid ng highway.

Sa nasabing insidente ay namatay ang tatlong security escort ni Ajibon na sina Gregorio Delgado, Muhaimin Jalil, isang alyas Maullah at ang sibilyang lulan ng motorsiklo na si Ramil Omar.

Samantala, ang mga nasugatan ay sina Sattar Abdul, Nurhaida dela Cruz, Amlan Sali Adam, Tupay Kalbi, Florante Agustin, at si Grace Ma­nuel Flores.

Sinabi ng opisyal na napinsala rin sa pagsabog ang kulay itim na Toyota Hi-lux pickup (MTO-656) at isang Toyota Hi Ace van na may plaka namang AEA 4365.

Agad namang ikinordon ng pulisya at militar ang nasabing lugar kaugnay ng isinagawang post blast investigation.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na inilagay ang bomba sa nakaparadang tricycle.

Inaalam pa ang motibo ng pagpapasabog kung saan isa sa sinisilip na anggulo ay ang banggaan sa pulitika.

ACIRC

AMLAN SALI ADAM

ANG

BARANGAY SUNRISE

BASILAN

CAPTAIN ROY TRINIDAD

FLORANTE AGUSTIN

GRACE MA

GREGORIO DELGADO

ISABELA CITY

ISABELA CITY MAYOR CHERRYLYN SANTOS-AKBAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with