Exclusive lanes sa APEC Summit inihahanda na - Tolentino
MANILA, Philippines – Inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na puspusan na ang kanilang paghahanda para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Isa na rito ang paglalagay ng APEC lanes, na eksklusibong gagamitin ng mga delegado ng Summit, kabilang ang 21 world leaders.
Ang APEC lanes sa EDSA ay ang dalawang inner lanes mula sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City hanggang sa Mall of Asia sa Pasay City, northbound at southbound. Gagamit ng plastic barricades para sa designated lanes na gagamitin ng APEC delegates mula November 18-19.
Idinagdag pa ni Tolentino na nasa 2,500 MMDA personnel ang ipakakalat upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegado at tiyakin ang maayos na trapiko sa mga rutang gagamitin ng APEC delegates.
Bukod dito ay tiniyak ni Tolentino na matatapos na ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos ng Ayala Bridge pagsapit ng November 15 habang ititigil ang konstruksyon ng Skyway 3 at NAIA elevated expressway sa kabuuan ng Summit.
- Latest