20 oras water interruption sa Metro Manila mararanasan
MANILA, Philippines - Dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa suplay ng tubig sa bansa ay mas mahabang oras umano ang mararanasang water interruption ng mga taga Metro Manila at kalapit lalawigan sa mga susunod na araw
Ito ay inanunsyo ng National Water Resources Board (NWRB) dahil sa planong pagbababa ng water allocation sa mga water concessionaires na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc.
Ayon sa NWRB, mula 40 cubic meters ay gagawing 38 cubic meters na lamang ang laang tubig na maaring maisuplay ng mga water concessionaires sa kanilang water customers para makatipid sa tubig na nagmumula sa Angat dam sa Bulacan.
Ang naturang dam ang pinagmumulan ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Sa ngayon ang water level sa Angat dam ay pumapalo sa 189.51 meters o mas mababaa sa 210 meter na target ngayong taon. Mula sa 9 hours na water interruptions na naipatupad ay gagawin itong 20 hours sa Oktubre sakaling bawasan ng NWRB ang water allocations mula sa Angat dam.
- Latest