^

Police Metro

Speedboat ng mga kidnaper pinalubog sa Sulu

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga militar at pulisya ang natagpuang speedboat na sadyang pinalubog ng mga di-kilalang kala­lakihan sa karagatan ng Omar sa Sulu, kahapon ng hapon.

Pinaniniwalaang ginamit ng armadong grupo na dukutin ang tatlong banyaga at isang Pinay mula sa Samal Island sa Davao.

Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, kasalukuyang bineberipika rin kung ginamit din sa pagtakas ng mga kidnaper ang natagpuang Bangka.

Nabatid din na may nadiskubre na ring bangkang de-motor ang mga awtoridad sa karagatang sakop ng Barangay Silangkan sa bayan ng Parang, Sulu  noong Biyernes ng umaga.

Gayon pa man, walang namataang lulan ang dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang operasyon laban sa mga kidnaper na hawak pa ang mga biktima.

ACIRC

ALLAN ARROJADO

ANG

AYON

BANGKA

BARANGAY SILANGKAN

BIYERNES

DAVAO

JOINT TASK GROUP SULU COMMANDER BRIG

PINAY

SAMAL

SAMAL ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with