Mensahe ng tambalang Grace-Chiz nakakalito-Malacañang
MANILA, Philippines – “Magkasalungat at nakakalito ang mensaheng nais iparating nina Senators Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero dahil sa paggamit niya ng jingle na “Bagong Umaga” na itutuloy din ang Daang Matuwid na plataporma ng kasalukuyang administrasyon”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na hindi malinaw kung nais ng dalawang senador na tatakbong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ng pagbabago o itutuloy ang nasimulan na ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Binanggit din ni Lacierda na mismong si Poe naman ay kinikilala ang bunga ng Daang Matuwid ng administrasyon bagaman at hindi naman nila inaangkin ang monopolya sa paggamit ng nasabing terminolohiya na unang lumutang sa kampanya ni Aquino noong 2010.
- Latest