Safety officer patay sa bumagsak na tabla
MANILA, Philippines - Isang safety officer na dalaga ang nasawi matapos mabagsakan sa ulo nang nalaglag na tabla mula sa isang ginagawang gusali sa Mandaluyong City kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Juhvee Tolentino, 24, ng Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-8:40 ng umaga sa Reliance St., corner Edsa ay kasalukuyang pinangangasiwaan ng biktima ang mga tauhan nang may nahulog na tabla na may sukat na 50x50 centimeter mula sa isang ginagawang gusali sa lugar na tumama sa ulo ng biktima kaya’t nawalan ito ng malay tao.
Isinugod ang biktima sa The Medical Center at matapos ang isang araw sa pagamutan ay nalagutan ito ng hininga kahapon ng alas-11:30 ng umaga.
- Latest