^

Police Metro

Mga opisyales ng LP mag-o-ober da bakod sa NPC

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang opisyales ng Li­beral Party ang magsisipag ober da bakod umano sa partidong Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Ito ang sinabi ni NPC spokesman at Quezon Rep. Mark Enverga, dahil ngayong araw ay manunumpa na ang mga bagong local officials  ng LP sa kanilang partido mula sa ibat-ibang lalawigan tulad ng Quezon at Laguna.

 Ang dahilan umano ng pag o- ober da bakod ng mga local officials ng LP ay dahil ang NPC ay tiyak ng susuportahan ang Poe-Chiz tandem sa 2016 presidential elections.

Agad naman itong itinatanggi ni LP spokesman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nagsisikalasan na ang mga miyembro ng partido dahil sa pagdeklara nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero.

Anya, marami pa ang gustong sumapi sa LP yun lamang ay hindi nila maasikaso dahil wala pa silang active recruitment sa ngayon.

Naging maugong ang balitang marami sa mga miyembro ng LP at koalisyon nito mula sa ibang partido ang kakalas ng suporta kay LP standard bearer Mar Roxas para magbigay ng suporta sa tatakbong Pangulo na si Poe.

ACIRC

ANG

ANYA

BEN EVARDONE

CHIZ ESCUDERO

EASTERN SAMAR REP

MAR ROXAS

MARK ENVERGA

NATIONALIST PEOPLES COALITION

QUEZON REP

SENATORS GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with