^

Police Metro

Trak nahulog sa bangin: 4 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat katao habang dalawa ang nasu­gatan nang aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang isang truck kamakalawa sa isang liblib na lugar  sa Brgy. Salacafe, T’boli, South Cotabato.

Ang mga nasawi sa lugar ng pinangyarihan ay kinilalang sina Darryle Gaje; Marlo Gal; Rene Boy Unggay at Joemar Lambong. Habang ginagamot sa pagamutan sina Leo Caluña at Mark Blasa.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang matanggap ni Chief Inspector Aldrin Gonzales, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 11, ang sakuna ay nangyari bandang alas-7:05 ng umaga sa kahabaan ng Sitio Kinalom, Brgy. Salacafe, Tboli, South Cotabato.

Lumalabas sa imbestigasyon, ay mabilis na bu­mabagtas sa lugar ang Izusu Elf truck (GGS -183) na minamaneho ni Gaje lulan ang iba pang mga biktima nang mag-overshoot ang trak sa matarik na bahagi ng highway.

Tuluy-tuloy na bumulusok sa 100 metrong lalim na bangin  na kung saan ang mga nasawi ay naipit ng truck at tumama ang mga katawan sa batuhan at kahuyan na siyang agarang kumitil sa buhay ng mga ito.

ACIRC

ANG

BRGY

CHIEF INSPECTOR ALDRIN GONZALES

DARRYLE GAJE

IZUSU ELF

JOEMAR LAMBONG

LEO CALU

MARK BLASA

MARLO GAL

SOCCSKSARGEN

SOUTH COTABATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with