^

Police Metro

4 katao naaresto... Sasakyan ng pinatay na seaman narekober

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Narekober ng mga otoridad ang kinarnap na sasakyan ng pinatay na seaman kamakailan at naaresto ang apat na katao kamakalawa ng hapon sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Christopher Kyle Ernie, 31 ng Indang; Ariston Jimena, 36, government employee, Dasmariñas City; Paulo Hernandez, 35, call center agent ng Imus at Raquino Omagap Jr., 31, tricycle driver ng Gen.Trias, pawang sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat ni P/Insp. Valero Bueno, chief investigator ng Dasmariñas City-PNP, dakong ala-1:30 ng hapon nang ikasa ang pagsalakay ng mga otoridad matapos na makakalap ng impormasyon tungkol sa mga armadong kalalakihan.

Nang maaresto ang mga suspek ay napuna nila ang isang itim na SUV at nang suriin ito ay ang nawawalang sasakyan na Subaru Forester na pag-aari ng pinatay na si Arnest John Agbayani, 27 ng Angono, Rizal na ang bangkay ay natagpuan sa Tagaytay City.

Magugunita na ang sasakyan ng biktima na Subaru Forester (AIA-6237) na kulay asul ay nakita noong Agosto 14, 2015 dakong alas-2:43 ng hapon na  bumibiyahe sa Angono, Taytay Road at simula noon ay hindi na ito nakauwi.

Makalipas ang mahigit isang linggo ay nakatanggap ng balita ang pamilya Agbayani tungkol sa pagkakatagpo ng isang bangkay na lalaki sa Tagaytay City at nang isailalim sa dentures proceedings ay nakumpirma na ito ang bangkay ni Arnest.

Nang salakayin ang lugar ay naaktuhan ang apat na suspek sa loob ng Subaru na kulay itim at nagsasagawa ng shabu session.

Hindi na nagawa pang manlaban ng mga suspek matapos na mapaligiran ng mga otoridad.

Sa isinagawang coordination ng pulisya sa Rizal at Tagaytay Police, at pag-imbita sa ama ng napatay na biktima ay positibong kinilala ng mga ito ang sasakyan na pag-aari ng anak na kinulayan lamang ng itim na ang orihinal na kulay ay asul.

Bukod sa sasakyan ay nasamsam din ang 1 Imbel 9mm caliber pistol; 3 magazine na may mga bala; 1 taurus 45 cal Pistol  na may magazine at bala; 3 plastic sachet na naglalaman ng mga shabu at mga drug paraphernalias; 3 piraso ng hand held radio : 1 PNP black jacket: 1 PNP green tshirt; 1 police bullcap at 2 papel na may mga plan sketch ng mga susunod na tatrabahuin ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon kung may kinalaman ang apat sa pagpatay kay Agbayani. 

AGBAYANI

ANG

ANGONO

ARISTON JIMENA

ARNEST JOHN AGBAYANI

ATILDE

CAVITE

DASMARI

MGA

SUBARU FORESTER

TAGAYTAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with