^

Police Metro

Columnist sa Ilocos Norte, nilikida

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na kolum­nista ng lokal na pahayagan matapos itong pagbabarilin ng nag-iisang lalaki sa loob ng convenience store sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni  P/Senior Supt. Albert Ocon, director ng Ilocos Norte PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Steve Bareirro, kolumnista sa Ilocos Times at mi­yembro ng Rotary Club Chapter sa nasabing lalawigan.

Bandang alas-10 ng gabi naganap ang krimen sa loob ng Ploy’s Tambayan Convenience Store sa Brgy. Poblacion 2.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nasa loob ng convenience store ang biktima kasama ang anak nitong si Maria Stephany nang lapitan at ratratin ng suspek na si Oliver Doctor.

Hindi naman sinaktan ang anak na babae ng biktima.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na si Doctor ay dating asawa ng ka-live-in ni Bareirro na si Criselda Aguinaldo.

Nabatid din na sina Bareirro at Doctor ay nagkakainitan sa tuwing magkru-krus ang landas.

Sa pahayag ng mga kasamahan sa hanapbuhay ng biktima na hindi na umano gaanong aktibo sa pamamahayag si Bareirro.

Samantala, bukod sa anak na babae ay na­ging saksi sa krimen ang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa loob ng nasabing tindahan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

Sinisilip ang anggulong matagal ng alitan ng dalawa kaugnay ng posibleng love triangle  pero kasalukuyan pa itong kinukumpirma.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT OCON

ANG

BAREIRRO

CAMP CRAME

CRISELDA AGUINALDO

ILOCOS NORTE

ILOCOS TIMES

MARIA STEPHANY

OLIVER DOCTOR

ROTARY CLUB CHAPTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with