3 ex-BI commissioners, 6 pa swak sa graft
MANILA, Philippines - Matapos makakita ng probable cause para maidiin sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act dahil sa illegal na pag-isyu ng medical passes at summary deportation order (SDO) laban sa convicted alien na sina Vo Van Duc, isang suspected terrorist na convicted sa unlawful manufacture at possession of explosives ay pinakakasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sina dating Bureau of Immigration (BI) commissioners Teodoro Delarmente, Roy Almoro at Jose Cabochan.
Kasama din pinakakasuhan sina dating acting chief ng PNP Civil Security Unit Wendy Rosario,ex- BI chief of staff Alejandro Fernandez, ex- acting warden Noel Espinosa, ex-legal aide Richard Perez, ex- security escort Francis Agana at ex-confidential agent Joselito Pagaduan dahil sa paglabag sa RA 3019 at Article 224 ng Revised Penal Code (evasion through negligence).
Sinasabing sina Delarmente, Rosario, Espinosa at Agana ay responsable sa pagpapalabas ng medical passes sa ibat ibang mga araw noong 2005 kay Van Duc kahit na walang rekomendasyon sa BI physician at nagbigay dito ng temporary liberty ng tatlong linggo.
Sina Delarmente, Almoro, Cabochan, Fernandez at Perez ay napatunayan namang lumabag sa mga patakaran ng summary deportation proceedings nang ang SDO ay inisyu base sa outdated 4-year old charge sheet at walang isinagawang pagbusisi dito ng mga commissioners ng ahensiya dahilan para ang naturang dayuhan ay makalabas ng bansa.
- Latest