52 na ang naging batas... Trillanes nakapaghain ng 1,077 panukalang batas
MANILA, Philippines - Maituturing na si Senador Antonio Trillanes IV ang nangungunang senador base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas noong nakaraan at kasalukuyang Kongreso.
Noong 15th Congress (2010-2013) siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Congress (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng 4 na batas, dagdag pa rito ang 10 panukalang naipasa na sa ikatlong pagbasa.
Ilan sa mahahalagang batas na akda ni Trillanes ay ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Agarang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act; at Anti-Bullying Act.
Aktibo rin si Trillanes sa mga imbestigasyon na may kinalaman sa mga korapsyon at iba pang anomalya sa gobyerno at simula ng kanyang panunungkulan ay may kabuuang 1,077 na panukalang batas ang naihain at 52 rito ay naging batas na.
- Latest