^

Police Metro

Mag-ina niratrat ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang 46-anyos na nanay habang sugatan naman ang anak nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Yeida Umpad, 46, ng 1-A, Santillan Street sa Barangay Damayan, San Francisco del Monte habang su­gatang naisugod sa Capitol Medical Center ang anak na si Rhidamie Umpad, 26.

Sa ulat ni PO1 Raldwin Jones Sanchez, naganap ang krimen sa bisinidad ng Tolentino Street bandang alas-10:30 ng umaga kung saan magkasama ang mag-ina sa Toyota Altis na may plakang NQP 823.

Gayon pa man su­malpok sa likuran ng cargo van (NGI 449) ang kanilang kotse matapos pagbabarilin ng tandem pagsapit sa Morato Street sa San Francisco Del Monte.

Sinundan pa at nitratrat ng gunmen ang mag-ina habang isinusugod sa ospital bago tuluyang tumakas.

Idineklarang patay ang matandang Umpad habang ang anak nito ay nasu­gatan.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY DAMAYAN

CAPITOL MEDICAL CENTER

MORATO STREET

QUEZON CITY

RALDWIN JONES SANCHEZ

RHIDAMIE UMPAD

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO DEL MONTE

SANTILLAN STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with