3 patay, 15 katao missing sa landslide
MANILA, Philippines - Tatlong sibilyan ang patay habang aabot naman sa 15-katao ang nawawala na karamihan ay minero matapos matabunan ng tone-toneladang putik ang pitong kubo sa minahan sa Sitio Elizabeth, Barangay Taneg sa bayan ng Mankayan, Benguet kamakalawa ng umaga. ?
Base sa ulat ni Cordillera Office of the Civil Defense Regional Director Andrew Alex Uy, unang natagpuan ang bangkay ni Crispin Ablao matapos lumutang sa ilog noong Sabado habang narekober naman ang mga bangkay nina Felimon Adcapan at Armando Duyao kamakalawa ng tanghali.?
Kabilang sa mga minerong natabunan sa landslide ay sina Ronaldo Angel, Paulita Angel, Ronald Paul Angel, Jasper Olivarez, Jonie Foster, Marpety Tumalban, Crisanto Ablao, Nardo Mocnangan, Marvin C. Baturi, Harold Baturi, Rocky Mangrubang, John Aluyan Jr., Jose Aluyan, Mark Balicdan, at si Efren Balicdan.
Pansamantalang isinara ang bahagi ng Km 16 sa Halsema Highway sa bayan ng Mankayan dahil sa patuloy na banta ng landslides.?
Ipinatagil na rin ang search and rescue operation sa nasabing lugar dahil sa makapal na hamog at walang humpay na buhos ng ulan.
- Latest