^

Police Metro

8 missing... 5 katao patay kay ‘Ineng’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa paghagupit ng bagyong Ineng sa Northern Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR) ay limang katao ang iniulat na nasawi sa malalakas na pagbuhos ng ulan na nagdulot ng mga pagbaha at landslide. Iniulat ng Office of Civil Defense-CAR na isang magkapatid ang nasawi sa landslide sa Benguet at isa pa sa Caba­ngan, Mountain Province sanhi ng landslide bunga ng malalakas na pagbuhos ng ulan na nagpalambot ng lupa.

 Ang mga nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet ay ang magkapatid na sina Edwin Celo, 26 at Marlon Celo, 21.

Sa Mt. Province ay natabunan din ng lupa ang magkapatid na paslit na sina Lykher Mamiding Mayon, 8 at Yckir Mamid-ing,10 sa Ilocos Norte ay nasawi ang isang Herminio Tabugo, 47, matapos na madaganan ng nabuwal na punong kahoy sa kahabaan ng highway ng bayan ng Pinili.

Nabatid na marami ring mga indibidwal na nasugatan sa mga lugar na hinagupit ni Ineng.

Iniutos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagpapatupad ng preemptive evacuations sa mga apektadong lugar at kabilang sa mga pinalikas ay ang daan-daang mga residente na naninirahan sa mga tabing dagat at mga mababang lugar sa Caga­yan, Isabela, Ilocos Sur at Ilocos Norte sanhi ng banta ng storm surge na dala ng hagupit ng bagyong Ineng.

Sa kasalukuyan binabayo ni Ineng ang CAR, Northern Luzon na pinalala  pa ng southwest monsoon na nagdulot rin ng pabugso-bugso at malalakas na pag-ulan sa Central at Southern Luzon gayundin sa Metro Manila.

 Si Ineng ay may taglay na malakas na hanging 170 KM kada oras na natukoy sa sila­ngan ng Calayan, Cagayan  at kumikilos patungo sa direksyon ng West Northwest.

Nasa walo katao rin ang iniulat na nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa mga lalawigan ng Abra, Kalinga at Ilocos Norte.

Si Ineng ay inaasa­hang lalabas sa bansa sa Linggo o Lunes, pero magpapatuloy ang mga pag-ulan sanhi ng southwest monsoon.

ACIRC

ANG

BENGUET

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

EDWIN CELO

HERMINIO TABUGO

ILOCOS NORTE

INENG

MGA

NORTHERN LUZON

SI INENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with