US sa China: Irespeto ang code of conduct sa West PH Sea
MANILA, Philippines – Nanawagan muli kahapon ang Estados Unidos sa China na landasin ang mapayapang pamamaraan sa pagresolba ng isyu sa pakikipag-agawan ng teritoryo sa Pilipinas at iba pang bansa habang iginiit din na nanatili ang suporta nito sa modernisasyon sa mga assets at kagamitang pandigma ng Armed Forces of the Philippines(AFP).
Ang panawagan ay ginawa ni US Ambassador Philip Goldbergsa ginanap na blessing at turnover ng 10-combat utility at attack helicopter ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base kung saan dinaluhan ng matataas na opisyal ng defense at AFP sa pamumuno ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Kahapon, personal na sinaksihan ni Goldberg ang turnover ceremony para sa 8 Bell-412 combat utility helicopters at dalawang AW 109E attack helicopter mula sa Anglo –Italian supplier na Augusta Westland.
Nabatid na aabot sa P4.8 bilyon ang kontratang nakapaloob sa pagde-deliver ng 8-combat aircraft mula sa Bell Helicopter Textron, isang Canadian-American company na nilagdaan noong Marso 2014.
Aabot naman sa P3.44 bilyon ang kontrata para sa supply ng 8-attack aircraft mula sa Augusta Westland na nilagdaan noong Hunyo 2013.
?Sinabi ni Goldberg na nais ng Estados Unidos na sumunod ang China sa Code of Conduct upang mapayapang resolbahin ang isyu sa sigalot sa teritory.
Kasabay nito, sinabi ni Golberg na dalawa pang C130 plane mula sa Estados Unidos ang kanilang ibibigay sa Pilipinas.
- Latest