^

Police Metro

Hirit ni P-Noy na maisabatas ang BBL, kinontra ni Alunan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinalagan ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael M. Alunan III ang pagpupumilit ni Pangulong Aquino na maisabatas ang kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law bago matapos ang termino nito.

Para sa dating kalihim, hindi napulsuhan ang tunay na kagustuhan ng mga taga-Mindanao hinggil sa BBL na kontra sa pambansang interes at kapakanan ng Pilipinas.

“Unang-una, iyong MILF eksklusibo lamang na kinakausap ng gobyerno at hindi ang lahat ng sektor sa Mindanao kaya maraming umaalma na excluded sila sa usapan”, wika ni Alunan.

Inilantad din ni Alunan ang tahasang pakikialam ng Malaysia sa peace process ng gobyerno at MILF upang maprotektahan ang kanilang tunay na layunin sa Pilipinas.

“Ang peace broker ay Malaysia. Ang Malaysia for 40 plus years have been funding the MILF para manggulo sa Mindanao para hindi tayo makapag-concentrate sa proseso to get Sabah from Malaysia which belongs to the Sultanate of Sulu,” ani Alunan.

Kinuwestiyon din ni Alunan ang labis na pagbibigay importansiya ng Malacañang sa MILF, samantalang kaduda-duda ang tunay na karakter ng mga ito.

ALUNAN

ANG

ANG MALAYSIA

ATILDE

BANGSAMORO BASIC LAW

INILANTAD

MINDANAO

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SULTANATE OF SULU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with