^

Police Metro

Opisyal ng TIP, driver natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa nadiskubreng patay ang isang vice president ng Technological Ins­titute of the Philippines (TIP) at ang driver nito sa loob ng sports utility vehicle (SUV) na nakaparada sa isang gasoline station sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang mga bangkay ay kinilalang sina Reynaldo  Chinjen, 66-anyos, Vice President  for external affairs ng TIP, resdiente ng no. Lot 11, Block. 14, Congress Village, Caloocan City at driver na si Claudio Flojo, 64,  ng no. 122 Mariveles St., Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng gabi nang aksidenteng madiskubre ng security guard ng Caltex Gasoline Station na si Edilberto Eslera, 32, ang bangkay ng dalawang biktima sa loob ng Ford Everest (ZKW-384) na nakaparada sa tapat ng banyo.

Agad inireport sa barangay ang natuklasan na siya namang tumawag ng mga pulis na pagbukas sa pintuan ng sasakyan ay kumawala ang nakasusulasok na amoy ng kemikal  na mahapdi rin sa mata at natunton na nagmula sa likurang bahagi ng sasakyan.

Pinag-aaralan kung anung klaseng kemikal ang kumalat sa loob ng sasakyan na posibleng dahilan upang ma-suffocate ang dalawa at mawalan ng malay hanggang sa mamatay ang mga ito.

May nakuhang mga bagong damit na pinamili at ilang barbeque sa sasakyan.

ANG

CALOOCAN CITY

CALTEX GASOLINE STATION

CLAUDIO FLOJO

CONGRESS VILLAGE

EDILBERTO ESLERA

FORD EVEREST

MARIVELES ST.

MAYNILA

TECHNOLOGICAL INS

VICE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with