Marketing firm hindi nangako ng ‘instant kita’
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Success 200 International Marketing Corporation na ang kanilang kumpanya ay nagbebenta ng mga produkto at hindi nagre-recruit ng tao kapalit ng malaking halaga.
Sinabi ni Kenneth Badiola, pangulo ng Success 200 hindi sila nag-iimbita ng mga tao para mag-invest ng P1,700 kundi para bumili ng kanilang produkto.
Hindi rin umano kailangang maglabas ng malaking pera sa kanilang kumpanya kapalit ng mga pangako na malaking halaga ang balik na imposibleng maabot sa maikling panahon lamang.
Hindi rin binibigyan ng garantiya ng kumpanya ang pagkakaroon ng kita at sa halip ay oportunidad upang kumita.
Nilinaw din ni Badiola na wala silang cease and desist order mula sa Security and Exchange Commission na nagpapatigil sa pag-operate ng kumpanya kaya’t sila ay nagpapatuloy.
- Latest