Comelec field officials papalitan
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga field officials ng Commission on Elections (Comelec) bilang paghahanda sa May 2016 elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez kabilang sa mga maapektuhan ng balasahan ay ang Regional Election Directors (REDs), Provincial Election Supervisors (PES), at city/municipal Election Officers (EOs) na bahagi lamang ng standard preparation ng Comelec kung saan nagkakaroon ng evaluation at nire-reshuffle kung kinakailangan.
Layunin ng balasahan na maiwasan na maging pamilyar sa isa’t isa ang Comelec official, empleyado at mga kandidato sa susunod na halalan.
Lumilitaw sa Comelec Employees Union, na umaabot sa 16 REDs, 80 PES, at 1,500 EOs mayroon sa buong bansa.
Gayunman ang balasahan ay depende sa magiging desisyon ng Comelec en banc.
- Latest